Simula Hulyo 21, 2025, hindi na maaaring sumali ang mga American transgender women sa women’s events ng Olympics at Paralympics, ayon sa bagong patakaran ng US Olympic and Paralympic Committee (USOPC).
Ang pagbabago ay kaugnay ng executive order ni U.S. President Donald Trump na pinamagatang “Keeping Men Out of Women’s Sports.” Nilalayon nitong tiyakin ang patas at ligtas na kompetisyon para sa kababaihan.
Sa memo ng USOPC, sinabi nina CEO Sarah Hirshland at presidente Gene Sykes na obligadong sumunod ang lahat ng sports governing bodies sa bagong patakaran.
Kasunod nito, in-update din ng NCAA ang kanilang polisiya upang payagan lamang sa women’s sports ang mga atleta na ipinanganak na babae.