“Hello, Love Again”: Kathryn at Alden, Back to Heartbreak?
Matapos ang limang taon, parang balik sa simula sina Joy at Ethan! Sa bagong trailer ng reunion movie nilang “Hello, Love, Again,” tila muling subok ang kanilang relasyon.
Ang teaser ng sequel ng hit na “Hello, Love, Goodbye” ay agad nag-viral sa Instagram accounts nina Alden at Kathryn. Ang caption pa nga? “Joy is gone.”
Nagsimula ang teaser sa iconic na eksena ng kanilang paghihiwalay sa 2019 film. Habang si Joy ay patungo sa Canada para tuparin ang pangarap, naiwan si Ethan sa Hong Kong. Pero mukhang kahit magkaibang kontinente, patuloy ang komunikasyon nila—pangakong magkakasama muli balang araw.
Ready ka na bang ma-heartbreak ulit?