Swak na swak si Tony Labrusca bilang isang “dreamboat,” kaya hindi na kataka-taka na siya ang napiling modernong knight in shining armor sa GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit. Isa siya sa dalawang leading men ni Herlene Budol, kasama ang Irish-Thai model at Manhunt International 2024 winner na si Kevin Dasom.
“Dream role ko ‘to!”
Sa isang press conference, inamin ni Tony na excited siya sa kanyang unang proyekto bilang Kapuso.
“This is my first, kaya gusto kong magpasalamat sa GMA sa pagbibigay sa akin ng ganitong opportunity,” ani Tony. “Dream role ko rin kasi ito. I’m very grateful to be playing Drew sa Binibining Marikit.”
Ayon sa aktor, kadalasan ay binibigyan siya ng mabibigat na karakter tulad ng tatay, mayor, abogado, o kontrabidang may sayad. “Ngayon, pakiramdam ko mas bumata ako. Hindi naman ito ang first time, pero bihira lang akong bigyan ng ganitong role, kaya sinusulit ko talaga ito.”
Sa mga nakaraang proyekto, gumanap siya bilang isang binatang humarap sa isang retiradong koronel na may Alzheimer’s (ML), isang lalaking kailangang matutong mag-move on (Hindi Tayo Pwede), at isang tauhang napasok sa mundo ng takot at misteryo (U-Turn). Kaya naman, isang refreshing break para sa kanya ang mas magaang role bilang Drew sa Binibining Marikit.
Good Vibes sa Set!
Aminado si Tony na masaya siya sa kanyang mga co-stars at hindi siya nakaramdam ng pagiging outsider. “Masaya ako kasi mababait silang lahat sa akin. Tinatanggap nila ako bilang isa sa kanila.”
Matagal na rin niyang gustong makatrabaho si Herlene Budol. “Finally, nasa bucket list ko na siya! Sobrang saya niyang katrabaho,” ani Tony. “Siya pa mismo ang nagiging source ng energy namin sa set. Siya na nga ang bida, pero doble pa ang effort niya!”
Sa mga huling episode ng serye, nasilayan na ng viewers ang pagkikita nina Drew at Marikit, kung saan sinagip ni Tony si Herlene mula sa bangin—isang tunay na knight in shining armor moment!
