Matapos ang apat na nominations pero no win, makakatanggap na rin sa wakas si Tom Cruise ng honorary Oscar! Ipinahayag ng Academy na pararangalan ang Hollywood action legend sa darating na 2026 Governors Awards.
Kasama ni Cruise na bibigyan ng tropeo sina choreographer Debbie Allen at production designer Wynn Thomas para sa kanilang kontribusyon sa sining ng pelikula. Samantala, tatanggap naman si Dolly Parton ng Jean Hersholt Humanitarian Award dahil sa kanyang mahabang track record ng pagtulong sa kapwa.
Ayon sa Academy, si Cruise ay kinilala dahil sa “incredible commitment” niya sa pelikula, sinehan, at stunt community. Kilala rin siya sa paggawa ng sarili niyang stunts—mula “Mission: Impossible” hanggang “Top Gun.”
Sa edad na 62, si Cruise ay isa sa pinakamalalaking pangalan at kita sa Hollywood, at ngayon, opisyal na siyang magkakaroon ng sariling Oscar statue—mission accomplished nga naman!