Bukas na ang TNVS hub sa NAIA Terminal 3! Para sa mas magaan na biyahe, inilipat na ang mga taxi at ride-hailing services sa isang dedicated hub na may 401 parking slots at 18 loading bays. Layunin nitong maayos ang daloy ng traffic at mabawasan ang congestion sa drop-off areas.
Unang nag-set up dito ang Grab Philippines noong Dec. 5, at susundan ito ng JoyRide PH na magdadala ng SuperTaxi, pati na rin si Angkas na may bagong four-wheel service, ang Angcars. Hindi lang ‘yan, nagbigay din sila ng pangako na magiging affordable ang mga pamasahe, kasing halaga lang ng mga coupon taxi.
Sa tulong ng mga operator, inaasahan ang mas maraming sasakyan sa holiday season para makapagbigay ng mas mabilis at mas maayos na serbisyo sa mga pasahero!