Site icon PULSE PH

TNT vs SMB: Gyera na sa PBA Finals! Wala ng Atrasan!

Tila walang atrasan ang TNT at San Miguel Beer matapos ang kontrobersyal na Game 1 sa PBA Philippine Cup Finals kung saan napanalunan ng Tropang 5G ang laban, 99-96. Pero hindi ito natapos nang tahimik—dahil mainit pa rin ang usapan sa “offensive basket interference” call na bumaligtad sana ng resulta.

Sa huling minuto ng laban, sinubukan ni Mo Tautuaa na idunk ang bola. Tumalbog ito pero bumagsak rin sa ring—akala ng lahat, pasok. Ngunit pagkalipas ng review, dineklarang “interference” ng technical committee, kaya binawi ang puntos—na ikinagalit ng SMB at fans.

Imbes na malugmok, gagamitin ito ni coach Leo Austria bilang inspirasyon sa Game 2. “Frustrated ang lahat, pero kontrolado pa rin natin ang attitude natin. Nakita naman nating kaya nating tapatan ang TNT,” ani Austria.

Sa Game 1, muntik nang maagaw ng Beermen ang panalo matapos bumalik mula sa 24-point deficit—sa pangunguna nina Chris Ross at June Mar Fajardo. Pero clutch shots mula kina RR Pogoy at Calvin Oftana ang nagsalba sa TNT.

Ayon kay TNT coach Chot Reyes, “Alam naming lalaban ang San Miguel. Kaya sabi namin sa players: relax lang, focus lang. Isang maling galaw, kaya nilang balikta rin ‘yan. Buti na lang, hindi kami nataranta.”

Asahan ang mas matinding banggaan sa Game 2—galit ang SMB, kalmado pero handa ang TNT. Walang bibitaw! 💥

Exit mobile version