Limang porsyento lang ang tsansa ng TNT na makabawi at manalo sa Finals—pero hindi sila sumusuko.
Sa kasaysayan ng PBA Finals, dalawa lang sa 41 teams ang nakabalik mula sa 1-3 na kalamangan ng kalaban. Isa rito ang San Miguel noong 2016 “Beeracle” comeback kontra Alaska, at ang isa pa ay ang Ginebra noong 1991. Ngayon, ang TNT naman ang nagbabalak gumawa ng sarili nitong milagro.
Matapos talunin ang San Miguel sa Game 5, 86-78, may bagong pag-asa ang Tropang Giga habang papasok sila sa Game 6 ngayong gabi sa PhilSports Arena. Isa pang panalo lang ng SMB, tapos na ang serye. Pero kung magawa ng TNT ang imposible? Isa silang parte ng PBA history.