Sa kabila ng mga usap-usapan tungkol sa umano’y hidwaan sa loob ng TNT Tropang Giga, pinatunayan nilang solid pa rin sila matapos ang matikas na panalo sa Game 6 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.
Bagamat hindi itinanggi ni Coach Chot Reyes ang emosyonal na tensyon matapos ang Game 5, sinabi niyang hindi na nila ito kailangang pag-usapan pa. “Mataas ang tiwala namin sa isa’t isa. Normal lang ang sigawan, kahit sa pamilya may ganyan. Pero hindi ibig sabihin nun, sira na kami,” ani Reyes.
Hindi rin umano siya naapektuhan sa mga tsismis tungkol sa team. “Hindi ko pinapansin ‘yung ingay sa labas. Ang focus ko, trabaho namin,” dagdag pa niya.
Isa sa pinaka-apektado sa intriga ay si Poy Erram, pero sa halip na panghinaan ng loob, mas lalo siyang nagpakitang-gilas. Umiskor siya ng 14 points, may 6 rebounds, at nakuha ang pinakamahalagang rebound sa huling segundo ng laban. Dahil dito, nagkaroon ng extra possession ang TNT, na nagbigay daan para sa clutch free throws ni Rondae Hollis-Jefferson.
Aminado si Erram na naging “distraction” siya sa team, pero bumawi siya sa kanyang laro. “Gusto ko lang bumawi sa team,” ani Erram, matapos ang kanilang panalo.
Dahil dito, tabla na ang serye, at buhay pa ang championship hopes ng TNT! Abangan ang matinding Game 7!
