Pinabulaanan ng beteranong komedyante na si Tito Sotto ang balitang nakatanggap si Vic Sotto ng script para sa pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” mula kay Darryl Yap.
Ito ay matapos sabihin ni Atty. Raymond Fortun, abogado ni Darryl, na ipinadala umano ang kopya ng script kay Vic.
Sa kanyang X account, nilinaw ni Tito na hindi si Vic Sotto ang nakatanggap ng script, kundi si Viva big boss Vic del Rosario.
“Not true. False. They gave a script to Vic del Rosario, not Vic Sotto. Vic nor I never read their script,” ani Tito.
Dagdag pa niya, tumanggi rin si Vic del Rosario na iprodyus ang nasabing proyekto. “Vic del Rosario turned it down,” aniya.
Sa isa pang tweet, banat ni Tito: “Sa mga gumagastos ng malaki para manira ng kapwa, ayos! Para mabawasan ang yaman ninyo!”
Mukhang mas umiinit ang isyu, ngunit malinaw ang pahayag ni Tito—walang kinalaman si Vic Sotto sa kontrobersyal na script na ito.
