Target ng ZUS Coffee Thunderbelles ang ikawalong at huling quarterfinals spot sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference habang haharapin nila ang Capital1 ngayong gabi sa PhilSports Arena.
Galing sa isang malaking upset win kontra Cignal HD Spikers (19-25, 25-23, 25-20, 23-25, 15-12), determinado ang Thunderbelles na ituloy ang momentum at makuha ang ticket sa best-of-three quarters laban sa Petro Gazz Angels.
Ngunit hindi magiging madali ang misyon nila—isang talo sa Capital1 ay magreresulta sa triple-tie sa Pool A, kung saan Cignal ang aangat batay sa FIVB tiebreak points.
Samantala, sa Pool B, magtatapat ang Nxled at Farm Fresh sa isang non-bearing match sa ganap na 4 p.m.
Volley Notes: Pasok na ang PLDT sa Asian Volleyball Confederation Women’s Champion’s League, kasama ang Creamline at Petro Gazz, matapos bigyan ng AVC ng pangatlong slot ang Pilipinas bilang host ng torneo sa Abril 20-27 sa PhilSports Arena.