Site icon PULSE PH

‘They don’t deserve him’: Mariel, sinabing ayaw nang tumakbo ni Robin sa 2028!

Mukhang hanggang isang termino lang ang balak ni Senator Robin Padilla.

Sa isang interview kay Julius Babao, ibinunyag ng TV host at misis ng senador na si Mariel Rodriguez na desidido na ang kanyang asawa na hindi na tumakbo sa 2028 elections. Ang dahilan? Feeling ni Mariel, “hindi deserve” ng publiko ang serbisyo ng kanyang mister.

‘Public Servant, Not Politician’ Ipinagmalaki ni Mariel na simula nang manalo si Binoe, wala silang naging lifestyle upgrade na galing sa kaban ng bayan.

“Wala kaming bagong kotse, wala kaming bagong bahay… wala kaming bagong kung anuman na katas ng pagiging senador ni Robin,” diin ni Mariel.

Dagdag pa niya, hindi “politiko” ang tingin niya sa asawa kundi isang tunay na public servant.

Bakit ayaw na? Umamin si Mariel na nasasaktan siya tuwing naba-bash o na-a-out of context si Robin. May mga moments pa nga na gusto na niyang patigilin ito sa paglilingkod dahil sa frustration.

Bukod sa kritisismo, nababagalan din daw si Robin sa sistema at proseso sa gobyerno kaya ayaw na nitong ituloy ang karera sa pulitika.

No to VP Tinuldukan din ni Mariel ang mga usap-usapan tungkol sa pagtakbo ni Robin sa mas mataas na posisyon, gaya ng Vice President.

“Nate-turn off siya (sa mga nagsasabing tumakbo siyang vice president). Nagdesisyon na siya, hindi na siya tatakbo. Ayaw na niya,” paliwanag ni Mariel.

Aniya, walang ambisyon sa kapangyarihan si Robin at ang tanging layunin lang nito mula noon ay ang makatulong—lalo na sa mga indigenous people at mga kapatid na Muslim na umaasa sa kanya.

Exit mobile version