Walang halong showbiz. Dominic Roque, todo ang ngiti habang kinikilig sa kwento nila ni Sue Ramirez. Chill lang daw ang relasyon nila—walang pressure, walang arte, basta masaya. “Siyempre kapag pumasok ka sa relasyon, gusto mo siya na ‘yung The One,” ani Dom.
Hindi lang siya ang sold kay Sue—pati pamilya at tropa niya, gustong-gusto si girl. “Sobrang kulit, masarap ka-bonding, natural lang siya,” dagdag pa niya.
Tungkol sa viral kiss nila sa Siargao? “Wala kaming regrets, natawa lang kami!” Eh kasi naman, sabi ni Sue: “Eh pogi, kiniss ko na! Charing!”
Matagal na palang magkakilala ang dalawa—since 2013 pa! Magka-birthday pa sila (July 20!), kaya may destiny vibes talaga.