Nag-init na naman ang tensyon sa pagitan ng Japan at China, pero ngayon, sa himpapawid! Nag-akusahan ang dalawang bansa ng paglabag sa airspace malapit sa mga disputed islands sa East China Sea, na parehong inaangkin ng Tokyo at Beijing.
Ayon sa China, isang Japanese aircraft ang pumasok sa kanilang airspace sa Diaoyu Islands. Sa kabilang banda, nag-protesta ang Japan laban sa Chinese Coast Guard, na inakusahan nilang pumasok sa kanilang teritoryo at nagpadala pa ng helicopter na lumabag sa kanilang airspace.
Nagkaroon ng heated exchange ng diplomatic protests at nagpang-abot ang mga patrol vessels at aircrafts. Habang ang tensyon ay tumataas, parehong pinapalakas ng Japan at China ang kanilang posisyon sa rehiyon.