Hindi lang world-class tennis ang tampok sa inaugural Singapore Open—naging sentro rin ng aksyon ang pagpapalakas ng sport sa Southeast Asia!
Kasama ang ASICS bilang opisyal na footwear partner, nagtipon ang mga kinatawan mula sa Pilipinas, Singapore, Malaysia, Vietnam, at Thailand para sa Regional Tennis Summit sa Kallang Tennis Hub. Dumalo ang mga atleta, coaches, officials, media, at influencers sa isang serye ng seminar, workshop, at tennis clinic bago ang finals ng Singapore Open kahapon sa Singapore Indoor Stadium.
Sa kauna-unahang WTA 250 event sa Singapore, lumahok ang Filipina star na si Alex Eala ngunit hindi pinalad sa qualifiers. Kasama sa mga sumabak sa torneo ang World No. 14 Anna Kalinskaya, US Open 2021 champion Emma Raducanu, at Grand Slam doubles winners tulad nina Elise Mertens at Wang Xinyu.
Ngunit bukod sa laban sa court, tampok din sa summit ang pagpapakilala ng ASICS Gel Resolution X, ang pinakabagong high-performance tennis sneaker. Pinangunahan nina ASICS SEA regional sports marketing head Sin Ting Low at Malaysia national coach Mulyadi Jamal ang clinic, kung saan inilunsad ang bagong sapatos na may mas mataas na ankle support, dynawall at dynalace para sa matibay na stability, at flytefoam midsole para sa ultimate comfort.
Bago dumating sa Southeast Asia, unang ipinakita ang Gel Resolution X sa Australian Open. Ayon kay Low, “Sa ASICS Tennis, patuloy kaming nagde-develop ng mga sapatos na pang-top-caliber performance.”
Present sa summit ang mga kinatawan ng Pilipinas, kabilang si former Ms. Universe-Philippines Gazini Ganados, celebrity-tennis athlete Maika Rivera, at fashion designer-athlete Bang Pineda. Lahat sila ay humanga sa bagong release ng ASICS—isang tunay na game-changer para sa comfort at stability sa tennis court!