Site icon PULSE PH

Team Liquid at Aurora Gaming PH, Pasok sa M7 Knockout Stage!

Pasok na sa knockout stage ng M7 World Championship ang mga koponang Pilipino na Team Liquid at Aurora Gaming PH matapos magtala ng parehong 3-1 record sa Swiss stage.

Muntik nang makumpleto ng Team Liquid ang isang perpektong kampanya matapos talunin ang Aurora Gaming PH at Team Falcons, ngunit napigil sila ng Malaysia’s Selangor Red Giants sa isang dikdikang serye. Gayunman, mabilis na bumawi ang Cavalry sa pamamagitan ng malinis na panalo kontra Yangon Galacticos ng Myanmar para masiguro ang puwesto sa susunod na yugto.

Samantala, mabagal ang simula ng Aurora Gaming PH matapos matalo sa kapwa Pilipinong Team Liquid. Ngunit bumawi ang Northern Lights sa tatlong sunod na panalo laban sa CFU Gaming ng Cambodia, Team Zone ng Mongolia, at Team Spirit, upang makapasok sa knockout stage—isang malaking tagumpay matapos mabigo sa M6 noong nakaraang taon.

Maghihintay na lamang ang dalawang koponan sa magiging katapat nila sa double-elimination knockout stage na magsisimula sa Enero 18.

Exit mobile version