Ready na si Taylor Swift, Billie Eilish, at Charli XCX na magpasiklab sa MTV EMAs 2024 sa Manchester! Para sa ika-30 taon ng awards, host ang British singer na si Rita Ora.
Lamang sa nominations ang mga kababaihan, pinangunahan ni Taylor Swift na may pitong nominasyon, salamat sa kanyang ‘Eras’ tour at bagong album. Makakalaban niya sa Best Artist sina Beyoncé, Billie Eilish, Post Malone, Raye, at Sabrina Carpenter.
Para sa Best Song, lalaban ang mga hit tulad ng ‘Birds of a Feather’ ni Eilish at ‘Espresso’ ni Carpenter.
Highlight rin sina Blackpink’s Lisa at Ayra Starr bilang rising stars. Samantala, sina Bad Bunny, Karol G, at Shakira ang tumatakbo para sa Best Latin category.