Umakyat ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ngayong Agosto dahil sa malawakang plant outages na nagbawas sa supply. Umabot ang system-wide rate sa P4.59/kWh, 15.3% na mas mataas kumpara sa nakaraang buwan na P3.99/kWh, ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP).
Bagama’t tumaas ang demand ng 1.7% sa 14,052 MW, bumaba naman ng 0.7% ang kabuuang supply sa 20,611 MW. Ayon sa IEMOP, “Coincident forced at planned outages ng mas murang planta ang nagdulot ng pagtaas ng presyo.”
Sa rehiyon, iba-iba ang galaw ng presyo:
- Luzon: bumaba ng 4.1% sa P3.76/kWh
- Visayas: tumaas ng 45.7% sa P6.40/kWh
- Mindanao: tumaas ng 75.4% sa P6.66/kWh
Ang coal pa rin ang pinakamalaking pinagkukunan ng kuryente (50.6%), sinundan ng renewables (26%) at natural gas (22%).
Ang pagtaas sa WESM rates ngayong Agosto ay makikita sa generation charges ng konsumer sa kasalukuyang buwan.
