Site icon PULSE PH

‘Tanim-Bala Modus’ Balik sa NAIA? Senior Citizen, Bagong Biktima!

Muling nabuhay ang kontrobersyal na ‘tanim-bala’ modus sa NAIA matapos ireklamo ng isang pasahero na diumano’y tinangkang kikilan ng airport security.

Si Ruth Adel, 69-anyos, ay nagbahagi sa social media ng kanyang karanasan noong Marso 6 kung saan umano’y natagpuan ng airport security ang isang bala sa kanyang bagahe bago siya lumipad papuntang Vietnam.

Ayon kay Adel, hindi tugma ang mga pahayag ng mga tauhan ng NAIA at tila pilit nilang tinatakpan ang kanilang name tags. Pinaniwalaan niyang ito ay tangkang extortion o panghihingi ng pera.

“Nakita namin sa video na nagtatawanan pa sila nang sabihin kong ire-report ko sila kay Senator Raffy Tulfo. Sigurado ako, kasabwat sila sa laglag-bala modus,” sabi ni Adel.

Kwento pa niya, una raw ay sinabi ng mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) na isang anting-anting na yari sa basyo ng bala ang nakita sa kanyang bagahe. Pero pagdating ng kanilang supervisor, binago raw nila ang kwento at sinabing basyo ng bala umano ang nakita sa kanyang handbag.

Dahil dito, nagsampa na ng reklamo si Adel sa Manila International Airport Authority (MIAA) upang imbestigahan ang insidente.

Exit mobile version