Site icon PULSE PH

Taas-Sahod sa NCR simula na sa July 18! DOLE, may Paalala sa mga Employer!

Simula Biyernes, July 18, epektibo na ang bagong minimum wage sa Metro Manila!

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), tataas ang arawang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon:

  • Mula ₱645 magiging ₱695 para sa non-agriculture sector
  • Mula ₱608 magiging ₱658 para sa mga nasa agriculture sector, service, at retail establishments na may 15 workers pababa

Pero hindi lang ito basta-bastang dagdag-sahod. Paalala ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, dapat ayusin din ng mga employer ang wage distortion o ‘yung hindi na pantay-pantay na sweldo ng ibang empleyado matapos ang minimum wage hike.

“Mahalaga ito para maiwasan ang demoralization ng mga empleyado na baka maungusan ang sahod kahit mas matagal na sila sa trabaho,” ani Laguesma.

Hinihikayat ng DOLE ang mga kumpanya na kusang gumawa ng hakbang, pero puwede rin silang humingi ng tulong sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards kung kailangan ng technical assistance.

Dagdag kita, pero dapat patas pa rin!

Exit mobile version