Pumutok ang Bulkang Taal nitong Miyerkules ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Iniulat ng Phivolcs na ang Taal ay nagkaroon ng phreatomagmatic eruption—isang pagsabog na nangyayari kapag ang magma ay humahalo sa tubig.
Gayunpaman, nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan, na nangangahulugang may hydrothermal o tectonic activity sa ilalim nito.
Ayon sa Phivolcs, maaaring magkaroon ng steam-driven, gas, o hydrothermal explosions nang walang babala.
Pagsapit ng 4:32 p.m., natigil na ang pagputok ng Bulkang Taal.