Site icon PULSE PH

Swiatek, Nakabawi Kay Eala sa Madrid Open!

Halos isang buwan matapos gulatin ni Alex Eala ang buong tennis world nang talunin niya si World No. 2 Iga Swiatek sa Miami Open, bumawi na ang Polish tennis star sa kanilang muling paghaharap sa Madrid Open.

Sa laban na ginanap Huwebes ng gabi (Manila time) sa Manolo Santana Stadium, ipinakita ni Swiatek kung bakit siya ang defending champion. Natalo man sa unang set, bumalikwas siya at tinalo si Eala sa iskor na 4-6, 6-4, 6-2.

Maaga nang lumamang si Eala sa unang set, 5-1, ngunit unti-unting bumawi si Swiatek. Di man niya naagaw ang set, nagsilbi itong gising sa kanya. Sa second set, bumomba si Swiatek ng 5 aces, at tuluyan nang nabaligtad ang momentum.

Pagdating sa third set, hirap nang makabalik si Eala sa laro. Nakauna agad si Swiatek ng 3-0, at kahit nakaiskor pa si Eala ng ilang games, kinapos siya sa dulo. Isang crucial error ni Eala ang nagtapos sa match habang siya ang nagse-serve.

Stat-wise, kahit 57 unforced errors si Swiatek (vs 47 kay Eala), mas dominante siya sa winners: 40 kontra 16, at 6 aces kontra 3.

Sunod na makakaharap ni Swiatek si Linda Noskova sa Round of 32.

Kahit natalo, patuloy na pinapatunayan ni Eala na kayang sumabay sa malalaking pangalan sa women’s tennis — at siguradong abangan pa ang kanyang next moves!

Exit mobile version