Hindi pinayagan ng Alas Pilipinas na maulit ang sakit ng pagkatalo sa Kazakhstan — lalo na ngayong Araw ng Kalayaan! Sa harap ng nagngangalit na Pinoy crowd sa Hanoi, pinataob nila ang Kazakhs, 25-21, 25-15, 25-19, at diretso sa semifinals ng AVC Nations Cup!
Matamis ang ganting ito lalo’t tinalo sila ng parehong team noong nakaraang taon. Kahit wala ang Kazakh star Sana Anarkulova, hindi nagpaawat sina Bella Belen, Alyssa Solomon, at Angel Canino.
Ngayon, bilang Pool B top seed, susunod nilang makakaharap ang Chinese Taipei o Hong Kong. Samantala, Kazakhstan makakabanggaan ang host na Vietnam.