PULSE PH

Super Typhoon Julian, Lumalakas na!

Naging super typhoon na si Julian (Krathon) at nagdala ito ng malalakas na hangin at ulan sa hilagang Luzon! Ayon sa PAGASA, kaninang 4 a.m., si Julian ay matatagpuan 205 kilometers kanluran ng Itbayat, Batanes, at nagdadala ng peak winds na 185 kph at gusts na umaabot sa 230 kph.

Inaasahan ang matinding pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, at hilagang bahagi ng Cagayan at Isabela. Kaya naman, nagbigay ng babala ang PAGASA ukol sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga baybayin at bundok.

Patuloy na kumikilos si Julian patungo sa timog-kanlurang bahagi ng Taiwan, kung saan inaasahang magkakaroon ito ng landfall sa Miyerkules. Magiging bahagyang humina ito habang dumadaan sa mga bundok ng Taiwan. Mag-ingat, mga kababayan!

Exit mobile version