Apat na sunog ang sumiklab sa magkakahiwalay na residential areas sa Quezon City, Manila, at Pasay kahapon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa Quezon City, unang sumiklab ang apoy sa Sitio Evergreen, Philand Drive, Barangay Pasong Tamo pasado 11:00 a.m. Idineklarang fire out ito pagsapit ng 11:45 a.m.
Isa pang sunog ang naitala sa A. Luna Street, Barangay Marilag. Mula first alarm sa 11:43 a.m., mabilis itong umakyat sa second alarm pagsapit ng 12:00 p.m. Bago pa man kumalat, naapula ito ng mga bumbero bandang 12:42 p.m.
Sa Pasay City, tinupok ng apoy ang isang bahay sa M. De la Cruz Street bago magtanghali. Matapos ang mabilis na responde, tuluyang naapula ang sunog bandang 1:34 p.m.
Samantala, sa Maynila, isang sunog ang sumiklab sa Labores Street, Barangay 848, Pandacan.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga arson probers upang matukoy ang mga sanhi ng sunog. Sa kabutihang palad, walang naiulat na nasaktan o nasawi sa mga insidente.