Sa isang panayam kay Ogie Diaz, isiniwalat ni Sugar Mercado na matagal silang naging magkarelasyon ni Willie Revillame—pitong taon, to be exact!
Sa umpisa, pabirong umiwas si Sugar: “Hindi ako sure, hindi naman siya umamin!” Pero nang muling tanungin, diretsahan niyang inamin: “Oo.”
Bagama’t hindi niya tinukoy kung kailan eksakto nangyari ang kanilang relasyon, sinabi niyang mahal na mahal niya si Willie noon at walang pagsisisi sa kanilang nakaraan.
Pinuri rin niya si Willie sa pagmamahal hindi lang sa kanya kundi pati sa kanyang mga anak. “Hanggang ngayon, nasa puso namin siya habang buhay,” aniya.
Matagal na raw silang walang komunikasyon, pero tila may respeto pa rin si Sugar para sa dating karelasyon!