Ang ikalimang at huling season ng hit series ng Netflix na Stranger Things ay ilalabas na sa 2025 at may walong episodes.
Inanunsyo ng Netflix ito noong Nobyembre 6, tinaguriang “Stranger Things Day,” dahil ito ang araw noong 1983 sa kwento kung saan nawala ang karakter ni Noah Schnapp na si Will Byers sa Season 1.
Bagamat walang eksaktong petsa ng release, inaasahang lalabas ang Season 5 sa ikatlong quarter ng 2025 at posibleng naka-set sa taong 1987.
Unang ibinunyag ang title ng pambungad na episode na “The Crawl,” at narito na rin ang iba pang titles: “The Vanishing of _____,” “The Turnbow Trap,” “Sorcerer,” “Shock Jock,” “Escape From Camazotz,” “The Bridge,” at “The Rightside Up.”
Misteryoso ang ikalawang episode title bilang sorpresa, na tila tumutukoy sa The Vanishing of Will Byers noong Season 1. Ang final episode naman ay tila magpapakita ng mas maraming eksena sa “The Upside Down.”
Sisimulan ang Season 5 isang taon matapos ang Season 4 finale, kung saan binuksan ni Vecna (Jamie Campbell Bower) ang isang pinto patungo sa Upside Down na hinati sa apat ang Hawkins, Indiana.
Makakasama rin sa cast sina Nell Fisher, Jake Connelly, Alex Breaux, at si Linda Hamilton ng The Terminator.