Connect with us

Entertainment

Star-Studded Judges, Bumanat Ulit sa ‘Masked Singer Pilipinas’ sa TV5!

Published

on

Hindi lang pala “Pagsamo” ang kayang ibirit ni Arthur Nery — kaya rin pala niyang magpatawa! Ang kilala bilang mahiyain at tahimik na singer ay magpapakita ng kanyang kakatuwang side bilang isa sa mga celebrity judge-detectives sa pagbabalik ng Masked Singer Pilipinas sa TV5.

Makakasama ni Arthur sa panel sina Nadine Lustre, Janno Gibbs, at Pops Fernandez, habang si Billy Crawford naman ang magho-host. Ayon kay Billy, sobrang natural ng pagiging kwela ni Arthur habang nagte-taping sila. “Parang biglang sumabog ‘yung kabaliwan niya. Hindi namin alam saan galing ‘yun!” biro ni Billy sa presscon.

Naalala rin ni Billy kung gaano kakonti magsalita si Arthur noon — tahimik at reserved. Pero nang mabigyan ng mikropono at pagkakataong manghula ng identity ng mga contestants, lumabas ang kakayahan niya. “Nakakagulat kasi iba ‘yung persona niya bilang singer. Pero dito, napakatatawa niya. Revelation talaga siya,” dagdag ni Billy.

Kwento naman ni Janno, medyo kabado si Arthur noong una nilang pagkikita, kaya’t ginamitan niya ito ng kaunting asar para lumuwag ang loob. “Sabi ko pa nga, dapat yata virtual na lang si Arthur,” biro niya.

Si Pops, na madalas katabi ni Arthur sa set, ay inakala munang kailangan niya itong alalayan. Pero kabaligtaran ang nangyari. “Sobrang bilis niya naka-adjust. Tumulong ang buong team para maging komportable siya. At nung naging komportable na, grabe — siya na ‘yung di mapatigil! Haha!”

Aminado si Arthur na kabado siya noong una, pero nang maramdaman niya ang mainit na pagtanggap ng mga co-judges at staff, nawala agad ang kaba. “Iba kasi noong contestant pa lang ako — bawal magsalita, nakatago ako sa jeep! Ngayon, kasama na ako sa kuwentuhan at tawanan.”

Ngayong Season 3, mas lalo pang pinataas ang level ng kasiyahan, ayon kay Billy. Makakasali ang iba’t ibang personalidad — mula sa mga beteranong singers, comedians, hanggang sa mga ex-contestants ng ibang music shows. “Expect the unexpected talaga. Lahat pwedeng mangyari,” aniya.

Dagdag pa ni TV5 president Guido Zaballero, “Mas pinasaya at pinalaki ang Season 3 dahil sa tagumpay ng unang dalawang season. This one is going to be massive!”

Ang Masked Singer Pilipinas ay local adaptation ng hit Korean reality singing show kung saan 16 celebrity singers ang magtatagisan ng galing habang nakasuot ng creative at nakakatuwang mga costume — at syempre, bawal silang makilala hanggang matanggal ang mask.

Abangan ang premiere ng ‘Masked Singer Pilipinas’ Season 3 sa TV5 sa May 17 at sa Sari Sari Channel sa May 18, 7:45 p.m.!

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Entertainment

‘Bridgerton’ Season 4, Inilunsad sa Paris na may “Cinderella with a Twist”!

Published

on

Opisyal nang inilunsad sa Paris ang ikaapat na season ng hit Netflix series na “Bridgerton,” na inilarawan ng bida na si Yerin Ha bilang isang “Cinderella with a twist.” Dinagsa ng daan-daang fans ang Palais Brongniart na ginayakan sa mga kulay at temang hango sa serye.

Umiikot ang bagong season sa Benedict Bridgerton (Luke Thompson), ang ikalawang anak ng makapangyarihang pamilya, at sa misteryosang si Sophie Baek na kanyang iniibig—na lingid sa kanya ay isang hamak na katulong, gaya ng kuwento ni Cinderella. Ayon kay Yerin Ha, ito ay kwento ng class struggle at bawal na pag-ibig, hindi isang tipikal na fairy tale.

Mapapanood sa Netflix simula Enero 29, tatalakay ang season sa mas mabibigat na isyu gaya ng ugnayan ng maharlika at mga katulong, seksuwal na karahasan, kapansanan, at sekswalidad ng kababaihan sa mas huling yugto ng buhay. Gaganap bilang malupit na madrasta ni Sophie si Katie Leung, na kilala bilang Cho Chang sa Harry Potter.

Batay sa mga nobela ni Julia Quinn, nananatiling isa sa pinakapinapanood na serye ng Netflix ang Bridgerton mula nang ilunsad ito noong 2020. Nakumpirma na rin ang Season 5 at 6, ikinatuwa ng mga tagahanga.

Continue Reading

Entertainment

Becky Armstrong, Bagong Nanno sa Reimagined na “Girl From Nowhere”

Published

on

Ipinakilala na si Thai-British actress Becky Armstrong bilang bagong Nanno sa reimagined series na “Girl From Nowhere: The Reset.” Mula sa sikat na tambalang FreenBecky, haharap si Becky bilang misteryosang estudyanteng kilala sa sarili niyang paraan ng paghahatid ng hustisya.

Sa Instagram post niya noong Enero 14, ibinahagi ni Becky ang unang larawan niya bilang Nanno at sinabing ito ang “bagong bata, bagong katawan, at bagong uniberso.” Ayon sa ulat ng Bangkok Post, ang serye ay standalone at hindi direktang pagpapatuloy ng orihinal—bagkus ay may hiwalay na timeline at bagong cast.

Mapapanood ang “Girl From Nowhere: The Reset” sa Channel 31 ng Thailand simula Marso. Ang orihinal na serye ay pinagbidahan ni Chicha “Kitty” Amatayakul, na unang ipinalabas noong 2018 at nagkaroon ng ikalawang season sa Netflix noong 2021.

Sumikat si Becky bilang kalahati ng FreenBecky kasama si Freen Sarocha sa GL series na “Gap” noong 2022.

Continue Reading

Entertainment

‘Girl from Nowhere’ Magbabalik sa ‘Reset,’ May Bagong Nanno?!

Published

on

Nagkagulo ang fans ng Thai thriller series na Girl from Nowhere matapos i-tease ang pagbabalik nito—kasama ang posibilidad ng isang bagong Nanno.

Noong Enero 12, naglabas ang opisyal na social media pages ng serye ng poster ng isang estudyanteng naka-iconic na uniporme at hairstyle ni Nanno, ngunit nakatalikod sa kamera. Sa caption, ipinahiwatig ang bagong yugto ng kuwento: “New kid, new body, new universe. But the Nanno inside is still the same.”

Kinumpirma rin sa Facebook intro ng serye ang pamagat at petsa ng pagbabalik: “Girl From Nowhere: The Reset,” na ipapalabas sa Marso 7, 2026.

Dahil dito, umugong ang espekulasyon na may bagong aktres na gaganap bilang Nanno. Lalong lumakas ang hinala matapos lumabas ang naunang poster na tampok ang Thai-British GL star na si Becky Armstrong.

Orihinal na ginampanan ni Chicha “Kitty” Amatayakul si Nanno, na nagtapos ang kanyang kuwento sa ikalawang season noong 2021. Ngayon, handa na ang serye na pumasok sa isang bagong uniberso—na siguradong susubaybayan ng fans.

Continue Reading

Trending

Copyright © 2024 | Pulse Ph