Nasunog ang sports car ng celebrity racer na si Angie Mead King habang nasa SLEX malapit sa Southwood exit. Sa Instagram, ibinahagi ni Angie ang video ng kanyang pulang Acura NSX na nalilitson sa apoy.
“Wala na ang kotse,” ani ni Angie, na hindi pa rin makapaniwala. Nag-live pa siya habang tinutulungan ng isang Good Samaritan. “Sobrang grabe… bigla na lang nasunog matapos ang exit.”
Bagama’t ligtas, inamin ni Angie na masakit ang kanyang dibdib matapos bumagsak ang kotse at magliyab. Hindi pa tiyak ang sanhi ng apoy, pero sinabi niyang may mga modification ang sasakyan. “Di na siya mare-rebuild—sunog na ang rear chassis, pati makina baka warp na rin,” dagdag niya.
