Nanawagan si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na ipagbawal ang Israel sa lahat ng international sports dahil sa giyera sa Gaza, kasabay ng pagkansela ng kanilang gobyerno sa halos $825M military contract sa Israel.
Pinuri ni Sanchez ang libo-libong nagprotesta na nagpahinto sa huling yugto ng Vuelta a España, isa sa pinakamalaking cycling races sa mundo. Giit niya, kung na-ban ang Russia sa sports dahil sa paglusob sa Ukraine, dapat ding patawan ng parehong parusa ang Israel.
“Hangga’t nagpapatuloy ang karahasan, hindi dapat makasali sa international competitions ang Russia at Israel,” sabi ng Prime Minister, na kilala ngayon bilang isa sa pinakamahigpit na kritiko ng aksyon ng Israel sa Gaza, kung saan ayon sa UN ay nakararanas ng matinding gutom ang mga Palestino.
Dagdag pa niya, dapat tanungin ng sports organizations kung etikal bang payagan pa ang Israel na lumaban sa pandaigdigang palaro.