Site icon PULSE PH

South Korea, Maglulunsan ng Denuclearization Plan Kasama ang US Para sa North Korea!

Nangako si South Korean President Lee Jae Myung na ipatutupad niya ang isang 3-stage denuclearization plan para sa North Korea, gamit ang mas aktibong dayalogo sa Pyongyang at patuloy na pagpapalakas ng alyansa sa Estados Unidos.
Sa panayam ng Yomiuri Shimbun bago ang kanyang pagbisita sa Tokyo para sa summit kasama si Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba, sinabi ni Lee na ang unang yugto ng plano ay ang pag-freeze ng nuclear at missile program ng North Korea.
Kasunod nito, target ng ikalawang yugto ang pagbabawas ng arsenal, habang ang huling yugto ay ang tuluyang pag-dismantle ng nuclear program ng Pyongyang. Ayon kay Lee, nananatiling mahalaga ang koordinasyon sa Washington habang pinapanday ang inter-Korean dialogue upang maging posible ang layunin ng denuclearization.
Pagkatapos ng summit sa Japan, lilipad si Lee sa Washington para sa kanyang unang at napakahalagang pagpupulong kay US President Donald Trump sa Agosto 25.

Exit mobile version