Suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa pribadong paaralan sa Quezon City sa Lunes habang naghahanda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na magbigay ng kanyang ikatlong State of the Nation Address (Sona) sa Batasang Pambansa, inanunsyo ng pamahalaang lungsod nitong Sabado.
“Layon nitong hikayatin ang lahat na makinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maiwasang maipit ang publiko sa trapiko,” ayon sa pamahalaang lungsod.
Suspendido rin ang ‘Brigada Eskwela’ sa mga pampublikong paaralan sa Lunes.
Magpapatupad din ang Philippine National Police ng gun ban sa Metro Manila simula 12:01 a.m. ng Hulyo 20 (Sabado) hanggang 12:01 a.m. ng Hulyo 23 (Martes).
