Naghanda na ang Toll Regulatory Board (TRB) na makipag-ugnayan sa San Miguel Corp. (SMC) para hilingin ang pag-waive ng toll sa ilang bahagi ng Skyway habang isinasagawa ang malawakang rehabilitasyon ng EDSA na magsisimula sa Hunyo.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, isa sa mga hakbang upang maibsan ang malalang traffic sa EDSA ay ang pagtanggal ng toll sa Skyway, kung saan magiging alternatibo ito para sa mga motorista. Ngunit, hindi pa tiyak kung anong mga bahagi ng Skyway ang magiging libre.
Kung magiging matagumpay, maaaring hindi na kailangang dumaan sa EDSA mula Buendia, Makati hanggang Quezon Avenue, Quezon City, dahil sa free toll na ipapatupad sa Skyway.
Pinaplano ng gobyerno na tapusin ang unang bahagi ng EDSA rehab sa susunod na taon, kasabay ng ASEAN Summit na gaganapin sa Maynila.