Hindi raw papayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na apihin ang mga Pilipino—kahit pa kilalang vlogger pa ang kalaban.
Sa isang video na in-upload sa kanyang Facebook page, tinawag ni Marcos na “crazy” ang Russian-American vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, na inaresto matapos manggulo at mangharas ng mga Pilipino sa Taguig at Boracay.
Si Zdorovetskiy, 33 anyos, ay nahaharap sa tatlong kaso ng unjust vexation kaugnay ng Cybercrime Prevention Act, dalawang kaso ng theft, at isang attempted theft.
Ano raw ginawa niya?
▪ Ninakaw ang mga sumbrero ng mga security guard
▪ Sumakay ng walang paalam sa patrol motorcycle
▪ Nanggulo sa mga nagtatrabaho sa Boracay
▪ Tinawag na “liberal f**k” ang isang Pilipina na naka-face mask—lahat ito para lang sa vlog content niya.
Sa video, habang pinapanood ni Marcos ang mga ginawa ni Vitaly, hindi na napigilan ng Pangulo ang reaksyon:
“Sira ulo rin ito.”
“’Di naman Filipino… Pwede ko ba murahin?”
Dagdag pa ni Marcos, mahinahon at mapagpakumbaba ang mga Pilipino, pero hindi dapat binabastos. Lalo na kung dayuhan lang naman ang nang-iinsulto para sa content.
Bottom line: Sa vlog ng iba, dignidad ng Pinoy ang nalalagay sa alanganin—at ‘yan, ayon kay PBBM, ay hindi palalagpasin ng gobyerno.