Sayang ang pagkakataon! Hindi umabot si Alex Eala sa inaabangang laban kontra world No. 2 Aryna Sabalenka. Agad siyang pinatumba ng world doubles No. 1 Katerina Siniakova, 6-3, 6-1, sa unang round ng Wuhan Open kahapon.
Bagama’t lumaban si Eala, world No. 148, sa unang set, hindi na siya nakasabay sa sunod na set, sinelyuhan ang pagkatalo at nasayang ang tsansa makaharap ang three-time Grand Slam champ na si Sabalenka.