China, Nag-evacuate ng 1600 mula Iran at Daan-daang mamamayan mula Israel dahil sa tumitinding gulo sa Iran at Israel, nagdesisyon ang China na mag-evacuate ng mahigit 1,600 mamamayan mula Iran at daang-daang mamamayan mula Israel.
Ayon sa Chinese Foreign Ministry, patuloy ang kanilang evacuation efforts at may koordinasyon sila sa Iran, Israel, Egypt, at Oman. Binabalaan din ng China ang mga evacuees na mag-ingat dahil sa siksikan sa mga border crossings.
Nanawagan ang China sa mga bansang kasangkot, lalo na sa Israel, na agad na itigil ang mga agresibong hakbang upang maiwasan ang karagdagang panganib at pinsala sa mga mamamayan.