PULSE PH

Cayetano VS Zubiri! Bakit Nga Ba Nagsigawan!?

Nagkasagutan sina Senators Juan Miguel Zubiri at Alan Peter Cayetano sa Senado noong Martes ng gabi dahil sa isang resolusyon na layong isama ang Embo barangays sa mga distrito ng Taguig at Pateros para hindi mawalan ng boto ang mga botante sa 2025 elections.

Pinanukala ni Cayetano ang Senate Concurrent Resolution 23 na susunod sa desisyon ng Korte Suprema noong 2021, na nagbigay ng karapatan sa Taguig sa mga barangay na matagal nang pinagtatalunan sa Makati. Dagdag pa ni Cayetano, tataas din sa 12 ang bilang ng mga konsehal sa bawat distrito ng Taguig.

Hindi natuwa si Zubiri at sinabi niyang hindi siya naabisuhan tungkol sa resolusyon. Humingi siya ng oras upang mapag-aralan ito nang maayos. “Ayaw nating pumasa ng mga measures nang biglaan,” ani Zubiri.

Habang umiinit ang usapan, na-suspend ang session at naputol ang YouTube feed. Sa cellphone video na kumalat sa social media, nagkasigawan ang dalawang senador. Cayetano, nagbigay ng babala na baka mawalan ng pagkakataon ang mga taga-Embo na bumoto o tumakbo kung hindi ito aaksyunan agad.

Naintervene sina Senators JV Ejercito, Pia Cayetano, at ang sergeant-at-arms na si Robert Ancan. Pagkatapos ng init ng ulo, humingi ng paumanhin si Cayetano kay Zubiri.

Matapos ang diskusyon, nagkaayos ang dalawang senador at nilinaw ni Zubiri na naiintindihan na niya ang resolusyon.

Exit mobile version