Nanatili ang P733-M Budget ng OVP sa Senado!
Pinanatili ng Senado ang inirekomendang P733 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) na naaprubahan na ng House of Representatives para sa 2025 General Appropriations Bill (GAB), ayon kay Senator Grace Poe.
Ayon kay Poe, na namumuno sa Senate committee on finance, hindi nakapagpasa ng mga kinakailangang dokumento ang OVP para linawin ang ilang isyu tungkol sa kanilang proposed budget. “Kahit ilang beses na kaming humiling ng dokumento, wala pa ring naipasa hanggang ngayon,” ani Poe.
Dahil dito, nagdesisyon ang Senado na panatilihin ang orihinal na budget habang hinihintay ang mga dokumento. Dagdag pa niya, ang mga pagbabago sa figures ay hindi maikukumpara ng direkta, pero siniguro nilang pinanatili ang budget para sa DSWD at pinataas ang budget ng DOH.
Noong Setyembre 12, inirekomenda ng House committee na bawasan ang P2.037 bilyong budget ng OVP sa P733.198 milyon, na magiging epekto sa mga social service programs ng OVP na nais ilipat sa iba pang ahensya ng gobyerno.