Site icon PULSE PH

Sen. Imee Marcos, Mag-Isang Lalaban sa 2025!

Inanunsyo ni Sen. Imee Marcos nitong Sabado na tatakbo siya muli bilang independent candidate sa 2025 midterm elections.

Ginawa ni Sen. Marcos ang pahayag sa ika-35 anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ama, dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Ngayong araw na ito, 35 taon na ang lumipas mula nang pumanaw ang aking ama, ngunit buhay pa rin sa akin ang kanyang mga aral. Bilang kanyang panganay, pinili kong tumayo nang malaya at matatag, gaya niya, na naniniwalang walang dapat na katapatan kundi sa sambayanang Pilipino,” sabi ni Sen. Marcos sa isang video na ipinost sa kanyang Facebook page.

“Hindi madaling mag-isa sa politika, pero ito ang pamana ng ‘Apo Lakay’ na inaalala natin ngayon. Pinili kong tumayo nang mag-isa upang hindi na mailagay sa alanganin ang aking kapatid at upang ang aking mga tunay na kaibigan ay hindi mag-alinlangan,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din siya sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagsama sa kanya sa administrasyon. “Lubos ang aking pasasalamat kay Pangulong Bongbong, na sa kabila ng galit at matinding poot ng ilan ay isinama pa rin ako sa alyansa. Salamat din sa NP (Nacionalista Party) at sa lahat ng sumusuporta sa akin. Sana’y patuloy kayong magtiwala,” ani Sen. Marcos.

Exit mobile version