Site icon PULSE PH

Selena Gomez, Inaming ‘Di Kayang Magdalang-tao!

Ibinunyag ni Selena Gomez na hindi niya kayang magdalang-tao dahil sa mga medikal na isyu.

Sa panayam para sa Vanity Fair magazine October 2024 cover story, inamin ng aktres-singer na bagamat gusto niyang magkapamilya pagsapit ng edad na 35, hindi niya kayang magdala ng sarili niyang anak.

“Ito ang unang beses kong sasabihin ito, pero hindi ko kayang magdalang-tao. Marami akong medikal na isyu na maglalagay sa buhay ko at ng sanggol sa panganib. Kailangan kong tanggapin iyon,” ani Gomez.

Noong 2013, na-diagnose si Gomez ng Lupus, at noong 2017, sumailalim siya sa kidney transplant. Mayroon din siyang bipolar disorder.

Bagamat hindi niya kayang magdala ng anak, bukas si Gomez sa adoption at surrogacy. “Pinagpapasalamat ko ang mga opsyon para sa mga gustong maging ina. Isa ako sa kanila. Hindi mahalaga kung anong paraan, magiging anak ko pa rin iyon.”

Exit mobile version