Nagpakitang-gilas ang “Stranger Things” sa unang sulyap ng inaabangang ikalimang season. Netflix ay nag-anunsyo ng mga bagong cast members: si Nell Fisher mula sa New Zealand, batang bituin na si Jake Connelly, at si Alex Breaux na kilala sa “Joe Pickett” at “Waco: The Aftermath.”
Bukod dito, naglabas din ang streamer ng behind-the-scenes footage kung saan makikita ang regular na cast na nagre-reflect sa kanilang paglalakbay sa sci-fi drama sa loob ng maraming taon.
“So, nagsimula ako noong 10 years old pa lang ako. Ngayon, 20 na ako. Ang weird ng pakiramdam,” ani Millie Bobby Brown, na gumaganap bilang si Eleven.
Kasama rin sa pagbabahagi sina Sadie Sink, Caleb McLaughlin, Finn Wolfhard, Noah Schnapp, at Gaten Matarazzo na nangakong ibibigay ang hinahanap ng fans ngayong season na mas malaki kaysa sa mga nakaraang season.
“It’s just so exciting. I think this is going to be the best season yet,” sabi ni Schnapp.
“100%, the wait will be worth it,” dagdag ni McLaughlin.
“Season four was big. Season five definitely feels bigger,” sabi ni Jamie Campbell Bower. “This is the season the fans have been waiting for.”
Ayon kay Maya Hawke, na gumaganap bilang Robin Buckley, ang walong episodes ng season five ay parang walong pelikula dahil sa haba ng bawat episode.