PULSE PH

SC, Itinalaga ang 26 RTCs para Hawakan ang mga Kaso sa Flood Control Corruption!

Itinalaga ng Supreme Court (SC) ang unang batch ng 26 Regional Trial Courts (RTCs) na tututok sa mga kasong may kinalaman sa umano’y korapsyon sa multibillion-peso flood control projects.

Sakop ng listahan ang anim na pangunahing rehiyon:

  • Metro Manila – 5 RTCs
  • Central Luzon – 5 RTCs
  • Calabarzon – 4 RTCs
  • Bicol Region – 4 RTCs
  • Central Visayas – 4 RTCs
  • Davao Region – 4 RTCs

Ayon sa SC spokesperson na si Camille Ting, hindi muna ilalabas ang mga pangalan ng korte at huwes para sa kanilang seguridad, at ito pa lamang umano ang unang batch dahil lahat ng rehiyon ay magkakaroon ng designated anti-graft courts.

Ipinaliwanag ng SC na ang hakbang ay alinsunod sa Republic Act 10660, na nagpapalawak ng hurisdiksiyon ng mga RTC upang dinggin ang mga kaso sa ilalim ng anti-graft laws, partikular na may kaugnayan sa mga infrastructure projects.

Kasunod ito ng direktiba ng SC sa Office of the Court Administrator na bantayan ang pagsasampa ng mga kaso kaugnay ng flood control corruption scandal.

Ang mga itinalagang huwes ay sasailalim sa specialized training sa Philippine Judicial Academy, na pangungunahan ng mga associate justice ng Sandiganbayan.

Anumang appeal mula sa desisyon ng mga special RTCs ay direktang idudulog sa Sandiganbayan, ayon sa Korte Suprema.

Exit mobile version