Site icon PULSE PH

SB19’s ‘Simula at Wakas’ Experience: Pasabog na Exhibit para sa A’TIN!

Iba ang level ng fan experience sa bagong multimedia exhibit ng SB19 — ang “Simula at Wakas (SAW) Experience” na matatagpuan sa Level 4 ng Gateway Mall 2, Araneta City hanggang June 29.

Pagpasok pa lang, bubungad na agad ang Virtual Reality (VR) Zone kung saan puwedeng mapanood ang immersive virtual performances ng bagong singles na “DAM” at “Time.” Pero hindi dito nagtatapos ang saya!

Makikita rin sa exhibit ang never-before-seen photos, behind-the-scenes moments, at mga iconic na gamit mula sa music videos ng grupo. May The Shop din, kung saan puwedeng umuwi ang fans ng SB19 merch tulad ng T-shirts, keychains, at photo cards.

Ang buong setup ay inspired ng “Simula at Wakas” EP — ang huling parte ng trilogy ng SB19 na sinimulan ng “Pagsibol” (2021) at “PAGTATAG!” (2023). Ayon sa grupo, ang SAW Experience ay isang pasasalamat sa A’TIN at pagpapakita ng kanilang paglalakbay at evolution bilang artists.

Para sa bawat miyembro ng SB19, may kanya-kanyang paboritong spot sa exhibit:

  • Pablo: Last Room — kung saan puwedeng maupo ang fans sa round table na gaya sa music video ng “DAM.”
  • Justin: Time Section — interactive zone kung saan puwedeng magsulat at mag-drawing.
  • Stell: DAM Gate — epic entrance pa lang, feel na agad ang vibe ng exhibit.
  • Josh: VR Zone — kahit naiilang siyang panoorin ang sarili, proud siyang ipakita ang techy side ng performance.
  • Ken: Merch Booth — dahil dito makakakuha ng mga personal na memorabilia ang fans.

Sa isang presscon, ibinahagi ni Justin na matagal na nilang pangarap ang magkaroon ng ganitong klaseng “museum experience.” Posibleng may future immersive exhibits pa para sa “Pagsibol” at “PAGTATAG!” — kaya abangan pa ng A’TIN!

At siyempre, sinimulan na rin ng SB19 ang kanilang Simula at Wakas World Tour sa Philippine Arena nitong weekend, na produced ng 1Z Entertainment, Live Nation Philippines, at Starmedia Entertainment.

Exit mobile version