PULSE PH

SB19, “Simula At Wakas” World Tour Kickoff, Todo Pasabog at Feels!

Muling pinatunayan ng SB19 na sila ang hari ng P-pop sa matagumpay na pagbubukas ng kanilang “Simula At Wakas World Tour” sa Philippine Arena noong May 31 at June 1.

Pinuno nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin ang 55,000-seater venue — ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo — sa loob lang ng pitong oras matapos buksan ang ticket sales. Kasama sa crowd ang celebrity friend nilang si Vice Ganda, na sumama pa sa mosh pit bilang suporta.

Nagbigay sila ng world-class show mula sa cinematic opening ng kantang “Dam”, hanggang sa emotional moments sa “MAPA” kung saan naging emosyonal si Josh habang nanonood for the first time ang kanyang ama. Ang stage? Parang fantasy movie, may fog, bato, at LED statues!

Di rin nagpahuli ang fans na A’TIN— naka-“Dam”-inspired outfits, may lumilipad na streamer na may “The world is yours, SB19,” at all-out sa cheer. Nagpa-fan roll call pa ang grupo: may hotdogs, berries, sisiws, mais—at syempre, buong puso silang binati.

Bukod sa old hits like What, Mana, Gento, pinasaya rin nila ang crowd sa mga bagong kanta gaya ng Crimzone, I Want You, at Freedom kung saan literal silang umangat sa ere. Sa gitna ng saya, may tawanan, iyakan, at paalala na “kasama kayo, A’TIN, sa kwento namin.”

Matapos ang Bulacan leg, tutuloy ang SB19 sa 18 lungsod sa Asia, Middle East, at North America.

Isang fan ang nagsabi:

“Hindi lang talento ang dala nila, kundi puso — ‘yan ang tunay na dapat ipagmalaki ng Pinoy.”

At sa lahat ng iyon, iisa lang ang masasabi: Simula pa lang ito, malayo pa ang mararating ng SB19.

Exit mobile version