Dahil sold out agad ang unang gabi ng concert sa loob lang ng 7 oras, nagdagdag ng pangalawang gabi ang SB19 sa kanilang kauna-unahang solo show sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ayon sa Live Nation Philippines, magaganap ang Day 2 ng concert sa June 1, kasunod ng May 31 na unang gabi, bilang kick-off ng “Simula at Wakas” world tour ng grupo nina Pablo, Josh, Stell, Justin, at Ken.
Presyo ng Tickets :
- ₱15,000 (VIP Standing moshpit with sound check)
- ₱11,000 (VIP Seated with sound check)
- ₱10,500 (VIP Standing with sound check)
- ₱7,500 (Lower Box A Premium)
- ₱6,250 (Lower Box A Regular)
- ₱4,750 (Lower Box B Premium)
- ₱3,500 (Lower Box B Regular)
- ₱2,250 (Upper Box A)
- ₱1,000 (Upper Box B General Admission)
Note: Bawal ang minors sa moshpit. Available ang tickets simula April 15, 12NN via SM Tickets.
Ang concert ay bahagi ng promo ng bagong album nilang “Simula at Wakas”, na ire-release sa April 25. May walong tracks ito kabilang ang “Dam”, “Time,” “8TonBall,” “Quit,” “Shooting for the Stars,” “Dungka,” at extended version ng “Dam.”
