PULSE PH

SB19 at BINI, Nagsama sa Epic Pictorial sa Billboard K Power 100 sa Seoul!

Nagkita ang SB19 at BINI sa Seoul, South Korea para sa Billboard K Power 100!

Nag-pose ang dalawang P-Pop giants para sa isang photo op during soundcheck. Parehong performers ang SB19 at BINI sa event na ito, matapos mapili ng Billboard Philippines.

Ang Billboard K Power 100 ay nagsilbing launching ng Billboard Korea at isang event para ipakita ang malaking impluwensya ng Korean music sa global stage. Ito ay ginanap noong Agosto 27 sa Yeong Bin Gwan Hall ng The Shilla Seoul.

Nagpasiklab ang SB19 sa kanilang hit song na “Gento,” habang pinasayaw naman ng BINI ang audience sa kanilang “Cherry on Top.”

Parehong tumanggap ang SB19 at BINI ng special award na Voices of Asia. Ayon sa Billboard Philippines, ang parangal na ito ay pagkilala sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa Filipino music at sa kanilang matatag na suporta sa P-pop sa global stage.

Exit mobile version