Nag-init ang ulo sa Senado nang magbanggaan sina Vice President Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sa hearing ng budget para sa Office of the Vice President (OVP) sa 2025.
Habang tinatanong ni Hontiveros ang tungkol sa P10 milyon na alokasyon para sa aklat na “Isang Kaibigan,” na may pangalan ni Duterte, hindi nakatanggap ng konkretong sagot si Hontiveros. Sa halip, pinadalhan siya ng mga banat ni Duterte na tinawag na politicking ang tanong.
Ayon kay Duterte, ang tanong ni Hontiveros ay isang uri ng politicking dahil sa pagbanggit ng kaniyang pangalan sa libro. Sinabi pa niyang pinipilit niyang i-link ito sa mga darating na eleksyon.
Hindi nagpatinag si Hontiveros, na sinabing ang kanyang tanong ay simpleng pagtatanong tungkol sa bilang ng mga aklat na bibili at ipamamahagi, at hindi bahagi ng politicking.
Dumating sa puntong nagpalitan na ng mga kritisismo sina Duterte at Hontiveros, hanggang sa makialam si Sen. Grace Poe para mapanatili ang kaayusan. Sa huli, nagbigay ng pangkalahatang deskripsyon ng libro si Duterte: “Isang Kaibigan” ay tungkol sa pagkakaibigan.