Site icon PULSE PH

Sandara Park, Nagbigay-Pugay kay Barbie Hsu: “Na-Influence Mo Ako”!

Inamin ng K-pop superstar na si Sandara Park na isa sa mga naging inspirasyon niya sa kanyang career ang yumaong Taiwanese actress na si Barbie Hsu.

Sa isang post sa X, nireplayan ni Dara ang isang video clip kung saan kinakanta niya ang “Ni Yao De Ai” sa New Year’s Eve Party sa Kaohsiung, Taiwan.

“Rest in peace, Barbie Hsu 🙏😢. Na-influence mo ako simula pa noong nagsisimula ako sa career ko. Lagi ka naming maaalala.”

Ang kantang “Ni Yao De Ai” ay isa sa mga iconic theme songs ng “Meteor Garden”, ang 2001 Taiwanese drama kung saan ginampanan ni Barbie Hsu ang papel ni Shan Cai—ang babaeng bumihag sa puso ng matigas ang ulong Dao Ming Su (Jerry Yan).

Sa Pilipinas, “Meteor Garden” ay naging isang cultural phenomenon, pinapanood halos araw-araw bago ang “TV Patrol”.

Pumanaw si Barbie noong Pebrero 2 sa edad na 48 dahil sa Influenza-induced Pneumonia habang nasa Japan para sa Lunar New Year vacation.

Noong Miyerkules, naiuwi na ang kanyang mga abo sa Taiwan sakay ng isang pribadong eroplano mula Japan. 🕊️

Exit mobile version