Site icon PULSE PH

San Juan, Ipinakilala ang AI-Powered ‘ClearBot’ para Labanan ang Baha at Basura sa Ilog!

Inilunsad ng San Juan City ang ClearBot Project mula sa Asian Development Bank at MMDA bilang bagong hakbang laban sa pagbaha at polusyon sa San Juan River.

Ang ClearBot ay isang solar-powered na bangkang robot na may camera at artificial intelligence. Kayang nitong maglibot sa mga daluyan ng tubig, tukuyin ang basura, at awtomatikong mangolekta ng debris bago ito makaabot sa mga drainage at magdulot ng pagbabara.

Sa live demonstration sa San Juan Bridge, ipinakita kung paano mabilis na nakakapaglinis ang makabagong teknolohiyang ito. Ayon kay Mayor Francis Zamora, higit isang toneladang basura ang nakolekta ng ClearBot sa maikling panahon.

“Malaking tulong ang teknolohiyang ito sa laban natin kontra baha,” ani Zamora, pero iginiit niyang nananatili pa ring mahalaga ang disiplina ng publiko sa tamang pagtatapon ng basura.

“Makakatulong ang teknolohiya, pero hindi nito mapapalitan ang ating responsibilidad bilang mamamayan,” paalala ng alkalde.

Exit mobile version