Site icon PULSE PH

Rufa Mae Quinto, Nagpiyansa! “Ako ay Komedyante, Hindi Negosyante”

Matapos magpiyansa ng halos P2 milyon, nagpasalamat si Rufa Mae Quinto sa kanyang kalayaan kasunod ng pagsuko sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.

Nahaharap ang aktres sa 14 na kaso ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code, kaugnay ng isyu sa Dermacare—ang parehong kompanyang nasangkot sa pagkakaaresto ni Neri Naig-Miranda noong nakaraang taon.

Bawat kaso ay may piyansang P126,000, na nagdala sa kabuuang halagang P1,764,000.

Dumating si Rufa Mae mula San Francisco kasama ang kanyang pamilya at boluntaryong sumuko sa NBI. Matapos sumailalim sa medico-legal exam, dumiretso siya sa Pasay court na nagpalabas ng warrant. Naantala ang proseso ng kanyang piyansa nang tumaas ang kanyang blood pressure.

Pakiusap ng kanyang abogadong si Mary Louise Reyes sa publiko at media, “Huwag muna sanang humusga nang hindi kumpleto at tama ang impormasyon.”

Matapos tuluyang maproseso ang piyansa, emosyonal na nagpasalamat si Rufa Mae sa mga sumuporta. “Ang sarap maging malaya at marinig ka! The best things in life are free and to be heard,” ani niya, sabay joke tungkol sa mga “hearings.”

Sa huli, pinatamaan ng aktres ang isyu, “Ako ay isang komedyante, hindi negosyante. Kaya kahit kailan, hindi ako magnene-go-go-gosyo!”

Exit mobile version