Habang hinihintay pa ang desisyon sa aplikasyon ni Harry Roque para sa asylum sa Netherlands, plano na ng Department of Justice (DOJ) na humiling sa Interpol ng red notice laban sa dating tagapagsalita ng presidente.
Ayon kay DOJ Undersecretary Nicholas Ty, isang opsyon ang magpapa-aresto kay Roque dahil may existing warrant of arrest laban sa kanya. Kung hindi man matuloy ang red notice, maaaring mag-request ang DOJ sa Netherlands na i-expel siya, tulad ng ginawa ng Pilipinas sa kaso ni Alice Guo.
Inaasahang masusundan ang mga hakbang na ito kasunod ng warrant of arrest laban kay Roque sa kasong human trafficking na may kaugnayan sa Lucky South 99 gaming operation.
Ang mga biktima, na kinidnap sa Nasugbu noong Mayo 2, ay pinalaya matapos bayaran ng kanilang pamilya ang ransom na 200,000 USDT bawat isa.
